Wednesday, December 09, 2009
heto na yung nagcacap off sa aking 2009.
hooray sa overnight beach escapade.
yuhu!!!
arf arf...
nakakatuwa kasi wala masyadong tao.
parang naging private lang yung beach. hehe
BLOGGED! @ {5:46 AM}
Tuesday, December 08, 2009
technically its my 1st year in BPI today. hehe
ito ang araw na nagtatakda ng unang taon mula ng una akong tumapak sa gusali nito..
hehe
12/08/2008
exam at interview.
immaculate din ngayon... yuhu!!!
BLOGGED! @ {5:44 AM}
Monday, December 07, 2009
nakakapagod ang araw na ito...
=(
literal.
yung ayaw mo na lang huminga
maging bato kahit papaano.
yung hindi ka titingin.
pipikit ka lang.
yung walang makikita.
walang maririnig.
walang maaamoy.
lahat ng iyong pandama.
ay isa-isang magsasara.
maaari ring magkakalas-kalas.
ngunit walang ganoong kapasidad ang isang katawan.
dahil ginawa ang katawan upang makadama.
na kahit napapagod na ay patuloy pa ring gumagawa.
nakakalungkot.
-(
BLOGGED! @ {9:00 PM}
Sunday, December 06, 2009
magtatapos na naman ang panibagong linggo
disyembre na!
sobrang bilis ng araw, ng panahon.
malapit ng mag-pasko. ngunit kahit malapit na yung merry xmas, ang init init pa rin. tuwing umaga ko lang nararamdaman yung lamig ng simoy ng hangin. ngunit kapag hapon, kahit pagabi na. ganoon pa rin, mainit pa rin. wala na atang pag-asang lumamig ang pilipinas. hindi naman talaga ito yung point ko. hindi rin yung global warming slash climate change.
ang gusto ko talaga sabihin, yung masaya yung weekend ko. sobrang okay. =)
nagpunta sa galera for an overnight nitong thursday-friday, at sobrang onti ng tao. aakalain mong hindi december. okay yung place, mura kasi. hehe!! nakakarelax ng todo.l kung pwede lang hindi na umalis dun kahit isang linggo. kaso wala ng pera. hehe.
plus plus. okay yung mga nabunot kong skedyul for holiday duty kanina!!
yipee!!!
hindi ko ata mapapanood ang lantern parade this year =(
8-5 ata ang sked ko that day.. sad...
belated HAPPY 5th kay hunnybunny!!! =P
BLOGGED! @ {9:35 PM}
Thursday, December 03, 2009
isang buwan..
tagal na rin.
hindi ko namalayan na sobrang bilis ng araw ang bilis ng panahon. maski ako minsan nahihirapan makisunod dito. yung tipong hindi pa natatapos ang isang araw, iniisip mo na yung mga mangyayari sa susunod na araw. ang hirap. pero nakakaya naman makipagsabayan. =(
maraming nangyari.
mula sa work, sa buhay-buhay, lovelife, pero yung ultimate question e yung may natutunan ba ako sa pagdaan ng bawat araw. ang emo ng entry na to. pakshet.
pero syempre kahit gaano to ka-emo, ang sasabihin ko marami ako natututunan. na mahirap ang mabuhay. na walang taong apolitical (biglang may ganito, eto kasi yung sinabi nung trainer sa i-serve, sabi niya apolitical daw yung session na yun, haha!! bigla ko naman naisip, walang tao sa loob ng kwartong yun ang apolitical pangunahin na noong ipinanganak pa lang ang isang tao, mayroon na agad itong kinakakatigan, thus... haha political na siya),, fast forward.
namimiss ko na magsulat.
parang bula na lang ang mga ideya ko.
nawawala na lang.
pumuputok bago lumaki.
hanggang sa wala na lang ako maisulat.
tulad ngayon.
parang wala na .
matatapos lang ito ng ganito.
ngunit sisikapin kong isalba.
dahil nais ko ulit magsulat.
***************
lapit na ulit mag nippy-monsty day!! hihi!!
tigilan na ang pagiging madrama =P
***************
very spontaneous lang talaga to...
ano ba yung tawag dun.. haha
stream of consciousness ganyan lang
yung parang wala ka lang masualat pero tuloy tuloy lang dapat, yung walang hinto. yung ganito. timer starts now. mga one minute na magsusulat.
yung kahit ano. kahit yung maliwanag na color orange na buwan kagabi. na pinilit kong kunan ng picture pero hindi ko makuhaan. yung isang kotse na pinilit kong habulin sa mula cubao hanggang commonwealth dahil ginitgit ako. yung ang traffic traffic pero wala kang magawa kundi maghintay kahit masakit na yung right leg mo. yung ganito ulit. yung may 3 days kang bakasyon kasi matagal mo ng hinintay to. yung malapit ng magpasko. oo pasko.
at matatapos na yung pagka spontaneous nito..
blog..
BLOGGED! @ {6:30 AM}
Monday, October 26, 2009
heto na naman ulit.
graveyard ulit ang skedyul.
ampf! hehe
eto na naman yung pakiramdam na nakatatamad pumasok dahil gabi na ako umaalis ng bahay. yung hanggang umaga gising. kagabi nakakatuwa. napanood ko yung Ploning. nakakaiyak.
ang ganda ng kwento. iyong flashback, yung pagtuhog sa noon at ngayon.
hands off kay dante garcia. slash friend ni juday. hehe!!
BLOGGED! @ {5:54 PM}
Sunday, October 25, 2009
ang tagal na pala ng huling nakapagsulat.
iyong umaagos lang yung naiisip, yung emosyon. yung walang tigil lang sa pagtipa sa keyboard. yung hindi mageedit. hindi magdedelet. walang backspace. walang turning back. yung tuloy tuloy. yung parang ganito. ito ang aim ko ngayong gabi. yung walang tigil. hindi muna ako magttext. o magrereply. pero hindi ko magagawa yung huling nasabi ko. yung walang backspace. yung walang lag moment. yung ganito na. parang one, two,. three. sige titigil muna ako. magrereply lang ako. timer starts now.
okay.. balik ulit. ten seconds, twenty seconds. eto na magsisimula na ako.
yung gusto ko magtravel, na kahit hindi lang dito sa quezon city e mapuntahan ko. na alam kong wala naman talaga ako panahon para gumala. na parang nakakasawa na lang magpunta dito sa tirinoma, sm north, o eastood, o galle, o gateway.
kaya naisipan namin ni hun na magpunta sa robinsons place, sa ermita, sa manila. na dahil first time ko, e namangha ako. yung parang nakawala lang ako. dahil nga perstym ko talaga. ang isang araw na pagbisita ay hindi sapat para manamnam ko yung lugar kaya muli kaming nagbalik kahapon. pero hindi lang kami doon nagpunta. nagpunta rin kami sa baywalk, na first time ko rin nagawa. na naamoy ko yung amoy ng dagat. yung dumi nito, yung mga batang naliligo, yung malalakas na alon, yung mga nagtitinda ng ice cream, ng popcorn, ng chippy. mga ilaw, mga tawanan, yung ingay, mga dayuhan (itim at puti), yung mga batang nagtatakbuhan. kami. ako, siya. lahat narinig, nakita, higit sa lahat nadama ko. para akong nakawala sa aking kinalalagyan. sa aking kinasisidlan. para na akong hindi ako. na matagal kong hinahanap hanap.
matagal ko ng gustong gawin ang ganito. iyong mararamdaman ko yung mga hindi ko pa nararamdaman. yung makita yung mga matagal ko ng gustong makita. at naibigay lamang iyon sa akin ng isang pagkakataon hindi ko inaasahan. na ang pagpunta sa lugar na dayuhan sa akin ay siya palang makapagbibigay ng saya na matagal ko ng hinahanap.
na muling mapuputol. na pagfafast forward sa ganito.
yung parang gusto ko lamang maging post modernist bigla. na parang pagfafast forward din ang mga araw kung saan hindi na lamang ako basta ako. kundi yung parang ibang tao na. yung hindi parang isip bata kundi parang dignified na tao. yung mga nakikita at nababasa sa mga libro. yung parang katulad ng sinabi ko kahapon kay hun habang binabagtas ang adriatico. na sinabi kong mas navivisualize ko na yung binabasa ko. dahil doon ang setting noon. sa maynila, sa ermita. sa camarin. o kung anuman yung camarin na lugar na iyon sa nobela ni f sionil.
na muling mapuputol.
na gusto ko na ulit magsulat, yung parang hindi na lamang ako nagsasalita kundi ang mga nagsasalita para sa akin ay mismong ang mga salita.
na minsan gusto ko na lamang mapipi dahil ayaw ko na magsalita. at magtitipa na lamang ako rito sa keyboard. na parang walang nakakaintindi sa akin dahil, ayaw naman nila akong intindihin. na parang naaalala ko yung sinabi ni judy ann sa pelikula nila ni piolo na ang setting ay sa Baguio na puro angst ito sa buhay. na hindi naman niya talaga alam ang tunay na kahulugan ng angst. o baka ako rin ay parang si piolo. o parang si juday, na sa huil'y hindi rin naman talaga nalaman sa loob ng pelikula kung paano nga ba mabuhay ng puno ng angst. o marahil matagal ko pa talaga malalaman kung ano ang kahulugan ng salitang angst.
gusto kong maging simpleng manunulat.
pero hindi ko alam kung saan magsisimula. na parang lagi na lang ako nahihirapan kung saan magsisimula. ngunit ang hindi ko makalilimutan ay ang sinabi ng dating propesor. na kung gusto raw namin maging magaling na manunulat ay dapat marunong muna kaming bumasa ng akda ng iba. o di ba. parang bonggang bongga lang yung sinabi niyang yun dahil hindi ko makalimutan. may isa pa pala, na ang salitang "cute" ay hindi ginagamit para sa malalaking bahay. dahil wala namang cute na malaki. parang pag sinabi mong ang cute ng elepante, ng giraffe. ang cute daw ay para sa mga maliliit na bagay lamang. kaya nga raw sinasabing ang CUTE NG BABY. basta ganun. pero parang ano lang yan, ironic lang. kasi kapag sinabi mong cute ang isang tao. ibig sabihin ba nun e baby pa yung pinatutungkulan? e pano kung cute na girl, o cute na boy? cute na bading, o cute na tibo. parang ganun lang, malabo. parang malabo rin ang pinatutunguhan nito. basta ganun. period.
o yung magrerewind naman ako ng kaunti.
dahil syempre kahit papaano gusto ko naman magreminisce. pero dahil tinatamad na ako.. next time na ako magrerewind. basta magsusulat na ulit ako dito sa blog na to.
period.
timer starts now.
BLOGGED! @ {11:21 PM}
Sunday, September 13, 2009
e yung egggsayted lang talaga ako ngayong araw na kahit umuulan e itutuloy ang pagpunta sa batangas para mag-beach!! hehe... magkasunod na linggo ang pagpunta sa dagat... sana lang hindi umuulan dun.. (me will pray hard)
ang dami nangyari nitong nakaraang linggo. bukod sa walang patid na pag-ulan.
monday - ito ang memorable na araw sa pagsisimula ng linggo.. pagkaraang manood ng the final destination.. na walang kalatuy-latoy (the word). hehe, pero nakakaaliw na rin kahit papaano.. e dumaan kami sa may Mrt North Station.. pagbaba ng hagdanan, while matching may hawak pa akong payong sa kaliwang kamay at ang aking kanang kamay ay hawak hawak ang aking pantalon na baka sumayad, ay booommmmmmmmmmm.. kaunting hakbang na lamang iyon, kaunti na lang talaga. dahan-dahan naman ako sa aking pagbaba dahil naiimagine ko na kung paano kaya kung mayroong madulas doon. dahil suot ko pa ang aking magic tsinelas (magic, kasi lagi ako nadudulas pag suot yun). sa kamalas-malasang pagkakataon nga naman, e paghakbang ko pababa ay nadulas ako. (ang ganda lang talaga ng eksena.. tuloy tuloy lang ang aking pag-slide hanggang sa ibaba ng staircase. hmmm di naman talaga sa ibaba. parang tatlong hakbang na lang e nasa ibaba na. hindi ko alam kung matatawa ako o ano. pero yung pakiramdam kakaiba talaga ang sakit na nakakatawa, na nakakahiya, na nakatatawa ulit.
nung pagkahulog ko pa,. sabi nung babae sa likuran ko "nadulas siya!" na pasigaw pa yung pagkakasabi. bukod sa pasa sa likurang bahagi at sa malapit sa shoulder e putik at pagkarumi ruming pants at jacket ang aking natamo.. ampf!!!
next time na yung ibang mga araw.. pero hindi pa yan ang pinaka highlight. hehe!!
me egggsayted na mag beach.. ehem
BLOGGED! @ {8:40 AM}
e yung egggsayted lang talaga ako ngayong araw na kahit umuulan e itutuloy ang pagpunta sa batangas para mag-beach!! hehe... magkasunod na linggo ang pagpunta sa dagat... sana lang hindi umuulan dun.. (me will pray hard)
ang dami nangyari nitong nakaraang linggo. bukod sa walang patid na pag-ulan.
monday - ito ang memorable na araw sa pagsisimula ng linggo.. pagkaraang manood ng the final destination.. na walang kalatuy-latoy (the word). hehe, pero nakakaaliw na rin kahit papaano.. e dumaan kami sa may Mrt North Station.. pagbaba ng hagdanan, while matching may hawak pa akong payong sa kaliwang kamay at ang aking kanang kamay ay hawak hawak ang aking pantalon na baka sumayad, ay booommmmmmmmmmm.. kaunting hakbang na lamang iyon, kaunti na lang talaga. dahan-dahan naman ako sa aking pagbaba dahil naiimagine ko na kung paano kaya kung mayroong madulas doon. dahil suot ko pa ang aking magic tsinelas (magic, kasi lagi ako nadudulas pag suot yun). sa kamalas-malasang pagkakataon nga naman, e paghakbang ko pababa ay nadulas ako. (ang ganda lang talaga ng eksena.. tuloy tuloy lang ang aking pag-slide hanggang sa ibaba ng staircase. hmmm di naman talaga sa ibaba. parang tatlong hakbang na lang e nasa ibaba na. hindi ko alam kung matatawa ako o ano. pero yung pakiramdam kakaiba talaga ang sakit na nakakatawa, na nakakahiya, na nakatatawa ulit.
nung pagkahulog ko pa,. sabi nung babae sa likuran ko "nadulas siya!" na pasigaw pa yung pagkakasabi. bukod sa pasa sa likurang bahagi at sa malapit sa shoulder e putik at pagkarumi ruming pants at jacket ang aking natamo.. ampf!!!
next time na yung ibang mga araw.. pero hindi pa yan ang pinaka highlight. hehe!!
me egggsayted na mag beach.. ehem
BLOGGED! @ {8:40 AM}
Tuesday, August 11, 2009
maliwanag ang kislap ng mga bituin ng nagdaang gabi. matagal ko silang tinitigan, sinulyapan. ang bawat ningning ng mga ito'y naghahatid sa akin ng kasiyahan. para bang nagsasabing, magiging maayos ang lahat, ang lahat-lahat.
ngunit sa paghawak ko sa iyong mga kamay, muli akong nagbalik sa realidad. malayo sa kumpol ng mga bituing nagdala sa akin pantasya. sa isang lugar, na tayo lamang ang magkapiling. nalalapit na ang oras, kakaunti na lamang. dama ko ang init ng iyong palad. ramdam ko ang iyong hininga sa akin tainga. batid ko ang iyong sasabihin kahit hindi mo pa man ito nasasambit.
pilit kong pinigil ang pagluha ng mga sandaling iyon. inisip kong masamang panaginip lamang ang nangyayari. ayaw kitang lumayo. ayaw kitang lumisan.
****************************** itutuloy
BLOGGED! @ {8:06 PM}
Thursday, July 23, 2009
nakakafrustrate na kahit off mo ay hindi ka man lang nabigyan ng pagkakataon na makapagpahinga at makapagnilay-nilay. wala namang magawa kundi pumasok para sa training sa opisina. nakakalungkot lang. =( sana hindi maging ganito lagi, sana kung mayroong training, pull-out na lang kahit papaano tutal naman ang daming tao sa office. ganito nga siguro talaga ang buhay. sana ngayon lang ito. sana
****************
ngunit kahit ganoon, doon sa nangyaring leadership lecture pagkaraang makapananghalian. marami akong natutunan. hindi pangunahing maging isang pinuno o maging isang tagasunod kundi ang matutunang abutin ang mga pangarap. iyong tila biglang bumalik sa akin ang mga nais ko matupad noong nag-aaral pa lang ako, hanggang sa makatapos, hanggang sa ngayong alipin na ng realidad.
nais kong makapagturo sa kolehiyo. gusto ko maging propesor.. iyon ang pangunahin kong pangarap, nais kong makasalamuha ang sari-saring estudyante, sinubukan kong pumasok sa Mapua, ngunit huli na ng sila'y tumawag. nakakalungkot na tila baliko ang landas na aking tinahak. natuwa akong makasalamuha noong nag-aaral pa ako ng mga propesor na mababait, na masusungit, na nakatatakot. at sinabi ko noon, kung magtuturo ako, magiging jolly professor ako. yung mabait na madaling malalapitan. at gusto ko mapagkakamalan akong estudyante sa unang klase na papasukan ko. iyong uupo ako sa classroom hanggang sa magsipasukan ang mga tao, at tatanungin ko ang isa kong estudyante kung sino yung teacher namin. na magugulat na lang sila na ako yung propesor. =)
alam ko balang araw matutupad ko rin iyon. hehe kung mukha pa rin akong bata.
nitong mga nakaraang araw. gusto ko na ulit mag-aral. gusto ko na ulit paganahin yung utak ko. kanina ko lamang naisip, nung sinabi ni mam tintin ang sinabi ni john maxwell na gumawa ng listahan na nais mong gawin. at alam ko ang dalawa sa marami kong nais magawa... at ipinapangako ko. mula ngayon gagawin ko yun. para kahit papaano'y matupad.
******************
kung darating ang panahon na uulitin ko ulit ang mga nangyari na
hindi ako magdadalwang isip na ulitin muli ang mga nangyayari ngayon.
kahit ilang ulit pang mangyari.
patlang.
*****************
BLOGGED! @ {8:36 PM}
Saturday, July 18, 2009
sa wakas nagkaroon na rin ako ng mahabang tulog. from 10pm-6:30am
sumakit na ang aking ulo dahil sa haba ng aking tinulog.
sana naman ay maging maganda ang araw na ito para sa lahat.
=)
BLOGGED! @ {6:58 AM}
Monday, July 13, 2009
nakakapagod yung araw... period
salamat sa ulan. na tila bagyo.
salamat sa traffic sa edsa.
dalawang oras akong nasa biyahe.
masakit ang aking paa.
at akoy hinahatak na ng kama
BLOGGED! @ {9:57 PM}
nakapagpahinga na rin sa wakas!
hehe pagkadating mula office kagabi.
bagsak agad sa kama.
nakatulog agad at mahimbing na nakatulog.
isang mahabang pahinga rin kahit papaano.
hehe!!
nakakatawa lang ang mga pangyayari kahapon.
hindi ako naka quota. arggh! hehe!
pero ayus lang konti lang naman yung hindi ko naabot =)
natatawa ako nung thursday.
dapat noon ko pa yung ibblog.
natatawa na naiinis.
sa loob ng dyip na nasakyan ko pauwi.
mayroong isang babae na nakaupo.
pagpasok ng isang lalaki tumabi ito sa kanya.
ayaw niyang umurong sa kanyang kinauupuan kaya't nakipagsiksikan ang lalaki para makaupo siya. nainis ang babae at tumingin ng masama. ang babae!!! ang kapal lang ng mukha niya, ang dyip ay isang pampublikong sasakyan. haha! sana kung binayaran niya yung upuan na iyon para hindi siya siksikin. ang kapal lang. haha!! tinignan ko siya ng masama, at tumingin din siya sa akin. haha!! why not!!
papasok na nga ako. hehehe!! =)
BLOGGED! @ {6:06 AM}
Friday, July 10, 2009
hmmm. hindi ko alam kung mayroon akong sakit.
hindi ko pa talaga ito nasasabi sa nanay ko
o sa kapatid ko. o sa tatay ko.
pero lately marami na akong nararamdaman.
pwedeng sa puso. o hindi man. o sa katawan lang. period.
pagkaraan kong dumanas ng matinding lagnat noong nakaraang dalawang linggo.
graveyard na yung shift namin sa office.
pagkatapos noon tuwing umaga habang pauwi galing opisina,
nararamdaman ko yung pagkirot sa puso.
yung literal na sumasakit. =(
ang gagawin ko lamang iinuman ko lang ng tubig tapos okay na.
mawawala ng kaunti.
ngayong balik na sa regular sched.. lagi pa rin ganun yung heart ko.
mawawala tapos babalik. hindi na rin ako makatulog ng tuloy-tuloy sa gabi. lagi akong nagigising sa madaling araw pagkaraa'y hindi na muling makababalik sa pagtulog. at kahit mula sa pagtulog, laging masakit ang ulo ko. na parang binibiyak sa sakit, hindi naman migraine siguro ito. o baka. o hindi ko rin talaga alam.
doctor doctor i am sick. =(
BLOGGED! @ {9:04 PM}
Wednesday, July 08, 2009
hindi ako magaling magtago ng aking nararamdaman.
iyon ang hindi ko kailanman natutunan.
o kaya'y kabaligtaran?
haha!!
patlang
hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa mga nangyayari sa aking katawan nitong mga nakaraang araw, lagi na lamang ako nakadarama ng antok bagaman kumpleto naman ang aking tulog nitong nakaraang apat na araw. kahapon, sabi ko kaya ako nagcommute, para makatulog ako sa bus habang papunta ng office. sa kamalasan ay hindi ko ito nagawa sa hindi ko malamang dahilan. dulot ng sobrang pagod, paguwi ay nakatulog ako sa dyip at hindi namalayang nasiraan na pala ito. nagising na lamang ako dahil sa sobrang init at hinintay para mapalitan ng tsuper ang flat na gulong. pagdating ko sa bahay, tulog agad.
kanina,. ang aga ko dumating ng office. natulog ng tatlumpung minuto sa kotse. lunch time. pagkarang kumain, nakatulog na naman ako ng labinlimang minuto at hindi nagising kung hindi ako tinapik ng aking kasamahan. bwahaha!! nakakaloko. at ngyon pagdating na naman sa bahay, nakatulog agad at nagising na lamang dahil sa gutom.
ano na ang nangyayari sa akin =(
huhu!!
may namimiss akong isang tao.
gusto ko na siyang makita
para maging masaya na ulit ako
at hindi na antukin ng sobra =P
BLOGGED! @ {11:30 PM}
Monday, July 06, 2009
ayaw ko na ng ganitong estado.
hehehe... tumataba na ako sa kakakain,
at tulog na lang ako ng tulog
may pasok na ulit bukas
pero nakatulog na ako.
nasasanay na ako sa sekdyul ko dati.
hay!!
naway patulugin na muli ako ng aking diwa
at bukas na ng umaga magising.
hindi magising ng madaling araw. =(
BLOGGED! @ {9:20 PM}
matagal na rin pala akong hindi nagsusulat.
puro salita na lamang ang lumalabas sa aking mga labi.
nakalimutan ko ng isatitik ang mga saloobin.
sa kalagitnaan ng madaling araw,
sinusulat ko ito.
ang dami ng nangyari.
sa sobrang dami
nakapapagod magsalita.
magkwento.
regular na ako sa trabaho.
thank God.
kahit na malayo ito sa aking gusto.
at iyon ang pagtuturo.
alam kong magging matagumpay ako sa propesyong ito.
at balang araw. malay ko, siguro sa susunod na dalawng taon,
ginagawa ko na rin ang aking nais.
ang magturo sa kolehiyo.
ang maging propesor.
habang nakikipagbuno sa mga kliyente ng bangko.
dahil dito ako masaya.
ang dating pag-ibig.
ang matagal na pag-ibig.
ay tuluyan ng nawala.
masaya akong dumating ang taong nagpakita pagmamahal sa di inaasahang panahon at oras. tila laging ganoon, kung hindi mo inaasahan, saka dumarating. iyong bigla na lamang tumutungo sa estado kung saan mamahalin mo ang isang tao. iyong makalilimutan mo kahit panandalian ang realidad, ang mga problema. maraming salamat sa iyo. na kahit dumating na ang oras na tumatalikod na ako ay nariyan ka pa rin. maraming maraming salamat. i love you.
marami pa akong kwento.
alam kong lalo pa itong darami sa mga susunod na araw.
ngunit sa ngayo'y hanggang dito na lamang.
lalagyan ko muna ng kuwit.
ang isang buong pangungusap na ito.
BLOGGED! @ {4:18 AM}
Monday, June 15, 2009
had a great time last friday!!!
sobrang saya.. hehehe kahit nakakapagod ang init ng kamaynilaan..
sobrang saya pa rin.. yipee!!!
yum yum jacks loft.. =P
gusto ko na ulit mag weekend....
=(
may pasok na naman..
ayaw ko ng sked ko for this week
12-9 shift..
hayks!
pero no choice naman. hay!
kung pwede lang mamili ng sked. trsktsktskt
BLOGGED! @ {9:34 AM}
had a great time last friday!!!
sobrang saya.. hehehe kahit nakakapagod ang init ng kamaynilaan..
sobrang saya pa rin.. yipee!!!
yum yum jacks loft.. =P
gusto ko na ulit mag weekend....
=(
may pasok na naman..
ayaw ko ng sked ko for this week
12-9 shift..
hayks!
pero no choice naman. hay!
kung pwede lang mamili ng sked. trsktsktskt
BLOGGED! @ {9:34 AM}